January202012
8AM
8AM
8AM

001. Hindi lahat ng uniform ay edukada.

Yung iba kasi, tamang bihis lang. Ugali namang p*ta.

8AM
8AM
7AM
September302011
June82011

Isang totoong pangyayari ang naikwento sa dyaryo tungkol sa 70-taong gulang na lolo na nagmula pa sa isang probinsya. Lumuwas ng Maynila ang matanda para sa kanyang visa interview sa US Embassy, at dahil wala siyang anumang alam na salitang Ingles, isinama niya ang apo bilang translator.

Inutusan ng consul ang apo na tanungin ang lolo niya kung bakit gusto nitong pumunta sa Amerika.

Apo: Bakit daw ho ba gusto ninyong pumunta sa Amerika?

Lolo: Sabihin mong gusto kong makita ang mga anak ko.

Muling ipinatanong ng consul sa apo kung bakit kailangan pang pumunta sa Amerika, at hindi na lang papuntahin dito ang mga anak niya. Matapos tagalugin ng bata ang tanong, sumagot ang matanda.

Lolo: Sabihin mo, dito kasi ipinanganak ang mga anak ko. Nakita na nila ang Pilipinas. Gusto ko naman makita ang Amerika bago ako mamatay.

Dahil naasiwa sa katotohananang hindi man lang makapagsalita ng kahit kaunting Ingles ang matanda, ni-reject ng consul ang application nito. Sinabi ng apo sa kanyang lolo ang naging desisyon ng consul at ipinaliwanag ang dahilan.

Apo: Hindi raw kasi kayo marunong mag-Ingles.

Lolo: Sabihin mo ito sa kanya at huwag mong papalitan ang sasabihin ko. Putang ina niya, bakit siya nandito eh hindi naman siya marunong mag-Tagalog.

Sinunod ng bata ang utos at sinabi ito sa consul.

Apo: You son of a bitch, how come you are here… you do not know how to speak in Tagalog.

Sa pagkagulat na may halong tawa, napilitang magbago ang isip ng consul at mabilis na inaprubahan ang visa application ng matanda.

- An excerpt from Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, by Bob Ong.

Page 1 of 1